KALINGA - Sinunog ng mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang₱15 milyong halaga ng tanim na marijuana sa dalawang araw na ikinasang "Oplan Marites" sa kabundukan ng Kalinga kamakailan.
Sa panayam, sinabi ni PRO-Cordillera director Brig. Gen. Ronald Lee, na ang sunud-sunod na operasyon ay isinagawa sa Barangay Bugnay, Tinglayan nitong Marso 11-12.
Sa kabilang ng pagkakadiskubre ng walong taniman ng marijuana, walang naaresto ang mga awtoridad.
Kabuuang75,000 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMJP) ang sinunog ng pulisya at PDEA sa tinatayang 7,150 metro kuwadradong taniman.
Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang may-ari ng nasabing taniman.