Sa unti-unting pagpapatuloy ng in-person learning sa mga paaralan, hinimok ng isang grupo ang Department of Education (DepEd) na tiyaking magkakaroon ng sapat na pondo para sa progresibong pagpapalawak ng face-to-face classes.

Nagtanong ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, sa isang pahayag na inilabas nitong Lunes, Marso 14,sa DepEd kung nasaan ang budget para sa paghahanda sa muling pagbubukas ng paaralan. Ito, pagkatapos makatanggap ng mga ulat, na ang mga guro ay kailangang gumastos ng kanilang sariling pera upang matupad ang mga kinakailangan para sa pagpapatuloy ng harapang klase.

“Our teachers and school heads are toiling in schools even on weekends to clean the classrooms, repaint desks, install signages, and others at their own expense so that their schools will pass the validation process for inclusion in the implementation of limited face-to-face classes,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio.

Sinabi ng ACT na sa Tarlac, halimbawa, “teachers shell out money from their own pockets to prepare their classrooms for the expanded implementation of limited face-to-face classes.”

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Batay sa salaysay ng mga guro at school head, sinabi ni Basilio na ang mga kalahok na paaralan ay walang natanggap na karagdagang budget para pondohan ang mga itinakdang requirement ng DepEd at ng Department of Health (DOH) para maging kuwalipikado sa limitadong in-person learning.

Noong Marso 2, inihayag ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na ang ahensya ng DepEd ay naglaan ng karagdagang P977 milyon para ihanda ang mga paaralan para sa progresibong pagpapalawak ng face-to-face classes.

“Our teachers are eager for in-person learning to resume as the learning crisis has reached alarming levels,” ani Basilio.

“However, it is not fair that they and their already too meager salaries are made to bear the burden of physically preparing the schools,” dagdag niya.

Sinabi ni Basilio na halos anim na buwan mula nang ipahayag ng DepEd na nagpapatuloy ito ng limitadong harapang klase, ang "mga pondo ay hindi pa rin napakikinabangan sa ground."

Dahil dito, nanawagan ang ACT para sa mabilis na mobilisasyon ng mga pondo upang palayain ang mga guro ng karagdagang pasanin sa pananalapi sa paghahanda ng kanilang mga paaralan para sa limitadong harapang klase.

Hiniling din ng grupo na dapat ibigay ang service credites sa mga gurong "napilitan na pumunta sa mga paaralan kahit na sa mga araw ng pahinga upang ayusin ang mga silid-aralan."

Merlina Hernando-Malipot