Arestado ang isang lalaking tinaguriang Most Wanted Person at nahaharap sa 111 bilang ng kasong qualified theft na may ₱5,318,000 na piyansa sa Parañaque City nitong Linggo, Marso 13.

Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) Director Brig. General Jimili Macaraeg ang naarestong suspek na si Ramon Gamboa, 43, isang accountant.

Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City Police sa entrance ng Solaire Resort and Casino sa Brgy. Tambo sa lungsod dakong 5:45 ng hapon nitong Linggo.

Inaresto si Gamboa sa bisa ng warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case Nos. 2021-1641 to 1752 para sa Qualified Theft na inisyu Parañaque Regional Trial Court Branch 196 Judge Brigido Artemon M. Luna II kung saan inirekomenda ang ₱5,318,000 na piyansa ng suspek sa kanyang pansamantalang paglaya.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“I would like to acknowledge the Parañaque Police for their unwavering effort to bring the most wanted person to the folds of justice and have him accountable for the crime he committed. We assure you that our intensified campaign against wanted persons is continuously undertaken under my leadership to make significant gains in tracking down persons sought by law,” ani Macaraeg.