Pinag-iingat ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pinay na naghahangad na makapag-asawa ng dayuhan upang hindi mabiktima ng tinatawag na "love scammers."

Inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente ang babala dahil sa inaasahang pagtaas muli ng nasabing racket kasunod na rin ng pagpayag muli ng gobyerno na makapasok ang mga dayuhan sa Pilipinas.

Nagsisimula aniya ang panloloko kapag nagpadala na ng pera ang biktima sa kanyang huwad na kaibigan bilang kapalit ng mga ipinadalang regalo at pangakong international trips at kasal.

Inihalimbawa nito ang kaso ng isang babae na nagreklamo na inaresto umano ang kanyang dayuhang boyfriend dahil sinasabi na naharang ng mga tauhan ng BI sa Davao International Airport at humingi ng pera upang pakawalan.

National

Davao Oriental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Gayunman, nadiskubre ng babae na walang nangyaring kahalintulad na insidente at wala ring pasaherong dumating sa lugar.

Pinayuhan din nito ang publiko na kilalanin muna ang mga dayuhang kaibigan online bago makipagrelasyon.

“Please do not fall prey to these swindlers, promising heaven and earth, only to be duped of your hard-earned money,” dagdag pa ni Morente.

Jun Ramirez