Nagwagi ang 20 anyos na si Emmanuel 'Jimuel' Pacquiao Jr. sa kaniyang kauna-unahang amateur boxing fight kontra kay Mexican-American Andres Rosales na ginanap noong Sabado, Marso 12 (Linggo, Marso 13, PST), sa House of Boxing Training Center in San Diego, California, USA.

Mismong ang kaniyang amang si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao ang nagbalita nito sa kaniyang Instagram post. Bago pasukin ang politika, nakilala at sumikat muna si Pacquiao bilang eight-division world champion sa larangan ng boxing, at itinuturing na 'Pambansang Kamao'.

Nasungkit ni Jimuel ang panalo para sa three-round junior welterweight sa pamamagitan ng desisyon ng mga hurado.

"Congratulations to my son @pacquiao.emmanuel on fighting and winning his first U.S. amateur fight at junior welterweight! I’m so proud of you. #TeamPacquiao."

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Jimuel Pacquaio (Screengrab mula sa IG/Manny at Jinkee Pacquiao

Mukhang si Jimuel na nga ang magtutuloy sa yapak ng kaniyang amang si PacMan, matapos ang pagkatalo nito kay Yordenis Ugas sa kanilang boxing fight noong 2021, at matapos nitong i-anunsyon ang pagreretiro sa boxing upang magpokus sa kaniyang tungkulin bilang politiko. Kaya naman, mas pinili ni Jimuel na manatili sa US para sa kaniyang training kay Marvin Somodio. Nakapag-secure na rin siya ng boxing license noong Disyembre 2021. Kagaya ng kaniyang ama, kinatawan ni Jimuel ang Wild Card Boxing Club ni Coach Freddie Roach.

Marami naman ang nagsasabing si Jimuel na nga ang magpapatuloy ng legacy ni PacMan pagdating sa boxing.

Jimuel Pacquaio (Screengrab mula sa IG/Manny at Jinkee Pacquiao

"The next Pacquiao!"

"Congratulations..Siya ang susunod sa yapak ni Manny.??Go team Pacquiao. Manny for President!"

"Congrats to Emmanuel, wishing him more success and greater heights."

"Congratulations po!? Ang success ng anak ay kaligayahan ng magulang. ❤️"

"Congratulations my pinagmanahan of course sa dad niya God bless you."

"Wow, the legend continues…"