Kamakailan lamang ay napabalita ang pagbebenta ni Carla Abellana sa kaniyang condo unit, na halos bagsak-presyo na raw, na makikita rin sa kaniyang Instagram post noong Pebrero 25, 2022.

Ang naturang condo unit ay nasa The Grove, Rockwell, sa Pasig City, at ibinebenta na ni Carla kasama na ang ilang mga gamit.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"My condo unit at The Grove by Rockwell is still available for sale/lease!," aniya sa kaniyang IG post.

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana

"It is now below market value!"

"And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive. It’s fully (and excessively) furnished! If they’re not your type, then go ahead and sell them to make money! It’s totally up to you. ?."

"Of course parking (which alone costs more than 1M! ?) is included in the asking price already."

Naglagay siya ng mga contact person na maaaring mapagtanungan tungkol dito.

Samantala, usap-usapan ang pasabog ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa pamamagitan ng Facebook post nitong Marso 13, 2022.

"Eh kaya pala binebenta ni Carla Abellana yung condo kasi doon pala nagpompyangan," saad ni Xian.

Sa comment section, mababasa ang mga ganito pang mensahe ni Xian:

"GRABE KA TOM BA'T DOON PA."

"tindi mo brad'.

May nagtanong sa kaniya na isang netizen, "Pompyangan ba? Akala ko espadahan."

Tugon ni Xian, "hindi natin inaalis yung posibilidad na yan dahil ang tsismis eh botTOM daw ang Koya mo. Not kompirmd. Nagre-research pa ko mabuti. Gumagalaw na mga intel agents ko. Update kita."

"Matapos ang isang buwan na pahinga ng inyong pinuno, buhay na buhay nanaman ang mga Marites ng Pinas," saad pa ni Xian.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Dahil sa pagkakagamit ng direktang 'Carla Abellana' at 'Tom' sa comment section, walang ibang naisip ang mga netizen kundi ang kontrobersyal na Kapuso couple ngayon.

Matatandaang umamin ang amang aktor ni Carla na si PJ Abellana na sinisikap ayusin ng mag-asawa ang kanilang problema, na nag-ugat umano sa pakikipag-one night stand ng manugang.

Ang isyung ito ay isa rin sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa 'Showbiz Update' nitong March 14 episode.

Sa opinyon ni Ogie, talagang binabaan na ni Carla ang presyo para maalis na talaga ang anomang alaalang nabuo sa naturang condo unit.

Kung hindi naman daw maaayos ng mag-asawa ang naging lamat sa kanilang relasyon, sana raw ay maging magkaibigan pa rin sila.

Samantala, ayon sa panayam kay Carla ng GMA News noong Setyembre 25, 2020, talaga raw ibinebenta na ni Carla ang condo unit niyang ito sa Rockwell dahil nais niya ng new journey, at nais niyang bumili ng bagong bahay kasama ang noon ay boyfriend pa lamang na si Tom Rodriguez. Mapapanood pa ito sa vlog ni Carla.

Screengrab mula sa YT/Carla Abellana

Oktubre 2021 nagpakasal sina Tom at Carla, at Enero 2022 naman nang pumutok ang balita ng kanilang di pagkakaunawaan umano, matapos mapansin ng mga netizen na hindi umano sila magka-follow sa Instagram, hanggang sa nagsanga-sanga na nga ang mga intriga. Nadawit pa rito ang beauty queen-turned-actress na si Kelley Day, na pinabulaanan din naman ang pagkakasangkot sa isyu.

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Carla hinggil sa malisyosong 'pasabog' ni Xian Gaza tungkol sa dahilan ng pagbebenta niya ng condo unit na nasa Pasig City.