Hinamon ni senatorial aspirant Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Panfilo Lacson na ilabas at pangalanan ang  sinasabi nilang mga miyembro ng New People's Army (NPA) na kasama umano sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo kamakailan.

" I am calling on President Duterte and Senator Lacson to name the communistthat they claim being part of the campiagn team of VP Leni.

Bilangkaalyado ni VP Leni, diretsahan na sinasabi ko na hindi ito totoopero bibigyan ko pa rin sila ng pagkakataong maglabas ng pangalan,"aniya.

Sinabi ni Trillanes na malayong mangyari ito dahil sa dami ng mga dating opisyal ng sandatahang lakas nanasa kampo ni VP Robredo ay tiyak na hindi ito papayag na mahaluan sila ngmga terorista.

National

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika

Nitong nakalipas na Linggo, sinabi ni Lacson na may mga NPA sa rally ni Robredo matapos na dumagsa ang mga supporters nito na nag-umpisa sa Cavite.

Kinontra ito ni Trillanes at sinabi pa nitong walang kuwenta ang mgasource ni Lacson. Kahapon, inihayag naman ng Pangulo na may mga komunista umano samga political rally ng bise presidente.