Matapos putaktihin ng iba't ibang negatibong reaksyon at komento, kapansin-pansing wala na sa kaniyang Instagram ang post ni Megastar Sharon Cuneta, na may kaugnayan sa pagkadismaya niya sa pag-awit ni senatorial candidate Salvador Panelo sa signature song niyang 'Sana'y Wala Nang Wakas', sa isang LGBTQIA+ community event na isinagawa ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte, noong Huwebes, Marso 10, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

"Nanang ko po please lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. LOL," aniya sa kaniyang Instagram post, na ngayon ay burado na.

Matatandaang ipinaliwanag ni Panelo na isa siyang certified Sharonian, at kaya niya inaawit ang mga iconic song ni Shawie, ay para sa kaniyang namayapang anak na si Carlo Panelo III noong 2017, na may Down Syndrome. Isa pa, nagpaalam umano si Panelo sa Viva Records na siyang nag-produce ng sikat na awitin ni Mega, na nilikha naman ng yumaong kompositor na si Willy Cruz. Humingi rin siya ng paumanhin kay Shawie kung na-offend ito o hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/salvador-panelo-kay-sharon-cuneta-i-will-continue-to-sing-the-song/

Sa katunayan, hindi lamang Sana'y Wala Nang Wakas ang inawit ni Panelo. Kumalat ang video niya sa TikTok at iba pang social media platforms habang umaawit ng 'Ikaw' sa burol ng namayapang anak noong 2017.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/ikaw-ni-mega-kinanta-rin-ni-panelo-sa-burol-ng-anak-noong-2017-sharonian-kasi-ako/

Kung titingnan at bibisitahin ang IG ni Mega, mapapansing wala na nga roon ang naturang IG post. Bukod sa mga litrato at video nila ng pangangampanya, isang Instagram post naman na may art card na 'From now on, GOOD VIBES ONLY' ang kaniyang ibinahagi na may caption na iba't ibang emojis.

Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta

Nirepost naman niya ang IG post ng bayaw na si Joseph Pangilinan, kapatid ng mister na si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan, na isang bible verse.

"You, dear children, have overcome them, because greater is He who is in you, than the one who is in the world." 1 John 4:4," batay sa nakalagay sa art card.

Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta

Samantala, wala pa siyang tugon o pahayag hinggil sa naging paliwanag ni Sal Panelo tungkol sa pag-awit nito ng 'Sana'y Wala Nang Wakas'.