Inanunsyo ng Quezon City government nitong Linggo, Marso 13, ang iskedyul at lugar ng libreng anti-rabies vaccination, spay, at neuter services para sa mga alagang pusa at aso mula Marso 14-19.

Ang mga aktibidad ay isasagawa ng City Veterinary Department (QCVD) sa ilang barangay sa lungsod.

Sisimulan nila ang anti-rabies vaccination sa Pangasinan Street Covered Court sa Brgy. Batasan Hills, Brgy. Escopa II, Brgy. Don Manuel Hall, Makabayan St. sa Brgy. Obrero, at sa Del Nacia Ville, Brgy Talipapa sa Lunes, Marso 14.

Maaari ring dalhin ng mga may-ari ng aso at pusa ang kanilang mga alagang hayop para sa inoculation sa kanto ng Biak na Bato at Makatarungan Street sa Barangay Manresa sa Marso 15.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Bibisitahin din ng QCVD ang mga barangay hall ng Socorro at Paligsahan, Kitanlad Street sa Baranggay Tatalon, Maligaya Park Subdivision sa Barangay Pasong Putik, ang Area 99 Open Court at Mabuhay Compound sa Barangay Sauyo sa parehong araw.

Ang pagbabakuna sa mga alagang hayop ay gaganapin din sa Brgy. San Martin De Porres Hall, Area 9 Veterans Village at Mapayapa St. sa Brgy. Pasong Tamo noong Marso 16.

Isasagawa rin ito sa mga barangay Bagong Pagasa (San Roque Dubai Area), Old Balara (Liwanag St.), Pansol (Kaingin 2), Santa Lucia (Sitio 5), Pasong Tamo, at Tandang Sora (Philvirra Open Space) sa Marso 17.

Ang mga alagang hayop ng mga residente ng barangay UP Village (Covered Court), San Agustin (Millionaires Subdivision), at Apolonio Samson (Sampaguita 2) ay matuturukan din sa Marso 18.

Babalik ang QCVD sa Barangay Sauyo sa Marso 19 para bakunahan ang mga pusa at aso sa Villa Satornina.

Ang iskedyul para sa spay at neuter services sa Barangay Escopa III ay nakataksa sa Marso 16 at sa Marso 18 naman ang Barangay Bagbag.

Sinabi ng lokal na pamahalaan na maaaring makipag-ugnayan ang mga may-ari ng alagang hayop sa kani-kanilang barangay para sa mga detalye ng mga aktibidad. Maaari din nilang bisitahin ang QCVD Facebook page para sa karagdagang anunsyo.

Aaron Homer Dioquino