Inamin ni Vice Presidential aspirant Sen. Kiko Pangilinan na siya’y nasasaktan din sa insultong ipinupukol sa kanyang pamilya, lalo na kung tungkol sa pagiging vocal sa social media ng anak na si Frankie.

Matatandaang nagsampa ng cyber libel suits si Pangilinan sa ilang YouTube channels kasunod ng umano’y mapanirang contents laban sa kanilang pamilya.

Basahin: Pangilinan, nagsampa ng libel case vs YouTube channel dahil sa ‘mapanirang’ content – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“S’yempre, kaya ko nga sinampahan ng kaso, yung disinformation kasi kailangan mo rin labanan,” pag-amin ng senador kung pikon din siya sa bashers ng anak.

‘Naghahanda na sa kaso?’ Darryl Yap, nagbahagi ng larawan kasama mga Fortun

“Kasi hindi naman pwedeng tanggap ka lang nang tanggap ng suntok, lalo na kapag pamilya na ang involved,” dagdag niya.

Hindi rin nawawala ang kanyang abiso kay Frankie na kilala rin bilang isang matapang at diretsang personalidad sa social media pagdating sa ilang napapanahong isyu.

“Ang sabi ko lang, ‘Choose your battles.’ Hindi lahat ng mga isyu ay kailangan meron kang response. ‘Naiintindihan kong may mga issue kang masyado kang affected.’ Tama lang naman, ‘di ba dahil kung palagay mong may injustice,” pagbabahagi ng ama.

“Pero piliin mo. Hindi ibig sabihin na hindi mo hinarap o sinagot yung isang bagay, ibig sabihin duwag ka,” dagdag na punto aniya sa anak.

Hindi naman itinanggi ng ama na dumarating sa punto na apektado rin ang anak sa matinding bashing online at napapaiyak ito.

“Meron din [mga pagkakataon]. Yung nga yung sabi ko sa kanya, ‘Pag ikaw naman ay nagpatinag, eh di sino’ng nanalo? Sila,’” ani Pangilinan nang matanong kung may pagkakataon bang apektado si Frankie sa online bashings.

Ogie Diaz Inspires via YouTube

Samantala, natuto na rin daw ang asawang si Sharon Cuneta kung paano tratuhin ang mga bashers na aniya’y lalo lang sumisikat kapag pinapatulan.

Handa rin umano ang aspiring vice president na iurong mga mga kasong cyber libel sa oras na humarap sa kaniya at humingi ng tawad ang mga sangkot na indibidwal.

“Ayoko naman ikulong kahit sino. Kung merong willingness to apology, hindi na uulitin, wala namang problema dun,” ani Pangilinan.

“Nagtatanim ako ng gulay, hindi ako nagtatanim ng galit,” natatawang dagdag pa ng senador.

Sa ngayon, natuto na rin daw sa social media break pati ang anak na si Frankie. Ani Pangilinan, dapat din matutunan ng mga magulang na abisuhan ang mga anak na huwag masyadong magbabayad sa internet.