PANGASINAN - Dumadagsa na naman ang mga turista sa pamosong Hundred Islands National Parks (HINP) sa Alaminos City mula nang luwagan ng gobyerno ang quarantine restrictions sa bansa.

Sa datos ng City Tourism Office (CTO), umabot na sa 49,277na  turista ang dumayo sa lugar simula Enero hanggang Marso 13.

Inaasahan pa ng CTO na madadagdagan pa ang bilang ng mga turista dahil pinapayagan na ng pamahalaan ang 100 porsyentong daily capacity sa lugar.

Gayunman, obligado pa rin ang mga turista na magharap ng vaccination card at ID bago sila makapunta sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod sa zipline, maaari ring subukan ng mga turista ang iba pang water sports activities katulad ng kayaking, snorkeling at banana boat ride.

Ipinatutupad pa rin ng city government ang minimum health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) para na rin kapakanan ng mga turista.