Bago pa matamasa ang marangyang buhay, hilig na raw talaga noon ni Jinkee Pacquiao na mag-ipon para makabili ng bagong damit.

Natanong ang misis ni Presidential aspirant Manny Pacquiao kung ano ang naiisip niya sa ideyang siya’y titingalain bilang ambassador or arts and fashion sakaling maluklok sa Palasyo ang asawa at siya ang magiging first lady.

“Hindi maiiwasan na kapag naging first-lady ka, ngayon pa lamang pinanunuod ka na ng mga tao kung ano ang sapatos, ano ang damit [mo], you will become an ambassador of arts and fashion, is this something that excites you?” tanong ni Boy Abunda sa nagpapatuloy na serye ng The Interviews Of The Wives And Children Of The 2022 Presidential Candidates.

“Okay lang kasi yung pagdadamit ko naman parang komportable lang ako, happy ako,” agad na tugon ni Jinkee.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Tsaka yung ibang tao kasi na nagla-label sa akin na fashion icon [ako], na-appreciate ko naman yun, pero sa sarili ko, ‘Ganoon ba ‘ko? Parang ‘di naman.’ Baduy nga 'ko minsan manumit. Nahihiya pa nga ko,” dagdag niya.

Pagbabahagi ng misis, hilig na talaga niyang manamit nang maayos kahit noong siya’y estudyante pa lang.

“Nung student pa lang ako, iniipon ko yung allowance ko para lang makabili ng bagong damit,” ani Jinkee.

Natanong din ni Tito Boy ang kanyang mga pasabog na outfit sa mga laban ni Pacquiao na kadalasa’y trending ang halaga pagkatapos ng boxing fight.

“Pino-focus din ang wife [sa camera] kaya talagang [dapat] presentable din,” sabi niya.

Samantala, handa rin si Jinkee na i-promote ang local brands at mga local na designers.

“Of course, mahalin natin ang sariling atin. Yeah, sinusuportahan ko [in fact] ang mga local designers.”