Para kay IV of Spades Blaster Silonga, hindi sukatan para sa magandang hangarin ng isang kandidato ang dami ng tao sa kanyang grand campaign rallies. Kaya naman, isang paalala ang hatid nito sa kanyang followers.

Dahil sa kabi-kabilang mga grand campaign rally, hindi maiwasan na maikumpara ng mga tagasuporta ang bilang ng mga dumalo sa mga campaign event venue ng kanilang mga kandidato.

Kilala partikular ang mga tagasuporta ng UniTeam tandem nina Presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at Vice Presidential aspirant at Davao City Mayor Inday Sara Duterte at Kakampinks nina Presidential aspirant at Vice President Lent Robredo at Vice Presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan sa mga makikitang nagbabangayan ukol sa eksaktong bilang mga tagasuportang dumubog sa mga campaign venues.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Leni-Kiko Grand Campaign Rally sa Cavite

Tanong ng 22 anyos na musiko, “Anong konek ng dami ng tao sa tama at mali?”

Larawan mula UniTeam

“So sinasabi niyo ba na pag mas maraming dumalo mas tama ang pinaninindigan?” dagdag niya sa kanyang Facebook post Sabado, Marso 12.

Sa halip na punahin ang mababaw na aspeto ng kampanya, nais ni Blaster na itaas ang diskurso at s ahalip ay pagtuunan ng pansin ang tunay na karakter ng mga tumatakbo sa pampublikong tanggapan.

“Kung may pupunahin kayo sa mga kandidato, dapat yung mga walang kwentang nilang mga pananaw, kakulangan ng plataporma at kung anong record nila,” pagpupunto ni Blaster.

Hirit pa niya sa sariling comment section, "Kung ganito kayo magisip para niyo naring sinabi na kapag ang artist maraming fans maganda na ang gawa." Pagpapatuloy nito, "At para niyo naring sinabing tama si hitler dahil marami siyang fans."

Tila may paalala naman ito sa mga Kakampink: “Seryoso wala kayong na-a-achieve sa pangaasar niyo tuwing may rally si Bongbong [Marcos] na [ka]unti yung tao. ‘Wag niyong gawing away Kpop fanbase na puro lang paramihan. ‘Wag maging kulto,” saad ni Blaster.

“Makipag-away responsibly,” aniya pa.

Samantala, mapapansin kanyang serye ng Facebook contents na aktibo sa kanyang politikal na pananaw ang 22 anyos na musikero.

Matatandaang mula Agosto 2020, ang bandang IV of Spades ay nasa hiatus dahil sa ilang personal na dahilan.