Habang papalit na siya sa huling quarter ng kanyang anim na taong termino, sinabi ni Pangulong Duterte na ang papalit sa kanya ay dapat isang abogadong "compassionate, decisive, and a good judge of character."

Sa kanyang panayam sa kaibigang si Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Duterte na naisip niyang dapat hanapin ng mga tao ang nabanggit na katangian kapag boboto sa darating na halalan sa Mayo 9.

"Ako ‘yan, pero hindi ko sinasabi na pinipilit ‘yan. Kung maniwala lang kayo," ani Duterte nitong Sabado, Marso 12.

Ayon sa pangulo, dapat "compassionate" ang susunod na presidente.

“Yung para sa tao talaga," aniya.

"You must love the human being. Kailangan mahal mo talaga ang kapwa mo tao. Maski na marami nang sugat, there’s pus everywhere,” dagdag pa niya.

Nais din ni Duterte na ang susunod na pangulo ay isang abogado.

“‘Wag kang matakot. It’s the best quality. But of the good qualities of the president, sana abogado," aniya.

“Isang tingin mo lang maka-decide ka kaagad and the repercussions alam mo na kung ano," dagdag pa niya.

At panghuli, sinabi ng pangulo na dapat "good judge of character" ang susunod na punong ehekutibo upang mag-function nang maayos ang gobyerno.

“He must be a good judge of tao. Kailan mo malaman na bolador," ani Duterte.

“Magkuha ka , you’re able to delegate these powers because you know their character,” dagdag pa niya.

Walang ineendorsong presidential candidate si Pangulong Duterte, at ayon sa Malacañang, maaaring manatiling "neutral" ang pangulo.

Kamakailan, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, acting presidential spokesperson na susuportahan ni Duterte ang kandidatong may letrang "o" sa pangalan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/prrd-susuportahan-ang-presidential-bet-na-may-letter-o-sa-pangalan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/10/prrd-susuportahan-ang-presidential-bet-na-may-letter-o-sa-pangalan/

Argyll Cyrus Geducos