Mukhang may pinariringgang kandidato si Director General ng Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez sa kaniyang Facebook post nitong Marso 11, 2022, kung saan ibinahagi niya ang isang kumakalat na meme patungkol sa Marvel Studio character na si 'Ant-Man'.

Sa halip na 'Ant-Man' ay ginawa itong 'Can't-Man'. Sa ilalim nito, may paliwanag kung bakit ito ang pasaring na tawag sa isang kandidato.

"Can't join debates. Can't disclose SALN. Can't provide a solid platform. Can't pay taxes. Can't enter America. Can't accept defeat. 'Can't return stolen wealth," ayon sa nakalagay na text caption sa naturang meme.

"'TIS SAID THAT WHEN A CRIMINAL goes back to the scene of the crime, it is to ascertain his 'masterpiece' has been done. Masterfully. Perfectly. But what about those who steal people's money? Could they be labeled as criminals if they give back a wee bit of what they've stolen from them? Apparently, they feel no guilt. They're no criminals. They are leaders. In their own dark minds, they think they are!" nakalagay naman sa caption ni Vivian.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

May be an image of 1 person and text that says 'CHARVEL CAN'TMAN STUDIOS Can't join debates. Can't disclose SALN. Can't provide a solid platform. Can't pay taxes. Can't enter America. Can't accept defeat. Can't return stolen wealth.'
Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang naging pahayag ng misis ni presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos na si Liza Araneta-Marcos sa panayam ni King of Talk Boy Abunda, na isa sa mga pelikulang pinanood ni BBM na nakapag-impluwensya sa kaniya upang tumakbo sa pagkapangulo ay ang 'Ant-Man'.

Batay sa mga FB posts ni Vivian, ang kaniyang manok sa pagkapangulo ay si Manila City Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso.

Bagama't si Isko ang sinusuportahan niya at binabatikos naman si BBM, ang kandidato niya sa pagkapangalawang pangulo ay ang running mate ni BBM na si Davao City Mayor Sara Duterte, kaya isa ang aktres sa mga nagsusulong ng ka-ISSA' o Isko-Sara tandem.

Ang running mate ni Domagoso ay si Doc Willie Ong.