Matapos ang isyu sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at senatorial candidate Salvador Panelo hinggil sa pagkanta ng huli sa iconic at signature song niyang 'Sana'y Wala Nang Wakas' sa event ni vice presidential candidate Sara Duterte para sa LGBTQIA+ community sa Quezon City noong Huwebes, Marso 10, may cryptic post naman sa Instagram ang misis ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Katwiran ni Mega, ang naturang awitin ay nais lamang niyang marinig sa mga campaign rally ng Leni-Kiko tandem. 'Kinilabutan' umano ang Megastar, in a bad way.

"Nanang ko po please lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. LOL," aniya sa kaniyang Instagram post.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"Kidding aside, only because it is campaign season, I just think something’s a bit off when you sing a song made famous by the wife of one of your Vice-Presidentiable’s political opponents while campaigning."

"On the other hand, maybe I should just thank you for reminding your crowds of Kiko whenever you sing it, whether you do so to mock us or not."

Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta

Bilang tugon sa isyu, sinabi ni Panelo na bago pa man ang eleksyon ay matagal na niyang kinakanta ang pinasikat na awitin ni Sharon, para sa kaniyang anak na may Down syndrome. Isa pa raw, humingi umano siya ng pahintulot sa Viva Records at pinayagan umano siya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/salvador-panelo-kay-sharon-cuneta-i-will-continue-to-sing-the-song/

“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song,” saad ni Panelo sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 11.

Naisip din niya na binibigyang-pugay niya ang yumaong gumawa ng kanta na si Willy Cruz maging ang Megastar na si Sharon.

Pumanaw si Willy Cruz, isa sa mga batikang OPM writer, noong Abril 17, 2017 dahil sa heart failure.

"I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it,” ayon pa kay Panelo.

Sinusubukan lamang din niya na aliwin ang mga taong naglaan ng oras para makinig sa kanila sa nakaraang meet and greet. Hindi rin niya maintindihan kung ano ang “offensive” doon.

“I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that,” dagdag pa niya.

Matapos nito, ibinahagi ni Mega nitong Marso 11 sa kaniyang IG ang isang art card na may nakalagay na text na 'Don't let the ugly in others destroy the beauty in you'.

Hindi naman siya naglagay ng caption kung may partikular na tao o personalidad ba siyang pinatatamaan. Ang tanging nakalagay lamang ay 'Amen' at naka-tag sa isang nagngangalang 'Jeng Rulloda'.

Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen sa comment section.

"Practice what you preach."

"Kanta lang naman po 'yun, sana wag na ipagdamot."

"Ikaw lang may karapatang kumanta ganern?? Nasaan ang beauty mo ng lagay na 'yan?"

"There's so much hatred in your heart. Pls don't be ruined by politics."

"Sharon, you choose kindness over things no matter what. Be a good example kasi marami humahanga sa 'yo and now you have just turned them down by your actions. It's better to be kind than being always right. It's just a piece of song. Di ka makukunan ng pera sa bangko niyan. Sayang ka. Tainted na."

"Have you read or heard Sec. Panelo’s statement regarding your OAness?"

"'Don’t let the ugly in others…' Ikaw ang nag-umpisa by being so elitist. Sinisira mo image ng asawa mo at ng Pink movement."

Samantala, wala pang tugon o pahayag dito ang Megastar.