Tutol ang pamunuan ng OCTA Research Group na itigil na ang pagsusuot ng face masks laban sa Covid-19 sa bansa.

Ito ang tugon ng naturang independent monitoring group kasunod ng pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kamakailan na pinag-uusapan na ng mga opisyal ng gobyerno ang posibilidad na ilagay sa Alert Level 0 ang bansa sa gitna ng patuloy na bumababa ang bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa Pilipinas.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, sa ngayon ay mahirapmagkomentokung handa na ang bansa sa Alert Level 0 dahil hindi pa nila batid kung ano ang sakop nito at kaibahan sa umiiral ngayongpinakamaluwagna Alert Level 1.

Gayunman, kung nangangahulugan aniya ang naturang alerto na ititigil na ang pagsusuot ng face masks ay tutol umano sila dito dahil masyado pa itong maaga para isagawa sa ngayon.

“It is difficult to comment if we are ready for Alert Level 0 if we don't know what it covers but if it means removing face masks, I think it is too early for that,” paglalahad ni David.

Kaugnay nito, ikinatuwa rin ni David na ang 598 bagong kaso ng sakit na naitala sa bansa nitong Biyernes ay mas mababa sa kanilang prediksyon na 650.