Kamakailan lamang ay sinabi ng aktres na si Nadine Lustre na hangga't maaari daw ay iiwasan na niya ang paglantak o pagkain ng karne upang mas mapanatili pang healthy at fit ang pangangatawan.

"Now, I’m focusing on health and fitness. I’m eating more healthy food. Hopefully, I’m successful with becoming full on pescetarian and vegetarian,” saad ni Nadine sa pinakahuling vlog ng kaniyang beautician/dermatologist na si Dr. Aivee Teo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/nadine-lustre-sinubukan-ang-pescetarian-diet-hilig-sa-karne-tuluyan-nang-iiwasan/

Susubukan daw niya ang pescetarian diet; ibig sabihin, mga isda, gulay at prutas na lamang ang kakainin niya at bawas na o hindi na kakain ng karne mula sa baboy o baka. Aminado siya, isa siyang meat lover kaya isang malaking hamon para sa kaniya na bawas-bawasan na ang paglantak ng steak.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“You really have to dive into it. You can’t be half-assed. It’s really hard. Actually, for me, like someone who loves steak,” dagdag ng aktres.

Mahirap daw isagawa ang pescetarian diet kapag nasa Maynila, kaysa kapag nasa Siargao, na unti-unti nang bumabangon mula sa pagkakadapa, dahil sa bagyong Odette, noong Disyembre 2021. Sa Siargao daw kasi, maraming maaaring kaining isda, prutas, at gulay para sa mga tulad niyang bet subukin ang pescetarian diet.

Kaya lang, nagbiro naman ang mga netizen dahil muli nilang naalala ang viral photo ni Nadine kung saan bumibili siya ng isang sikat na all-around sarsa na 'Mang Tomas' habang siya ay nasa Siargao, na mabilis din naman niyang kinumpirma.

"Para 'di na kayo mag-isip… lechon manok yung ulam," saad ni Nadine sa kaniyang Twitter post.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/26/para-di-na-kayo-mag-isip-lechon-manok-yung-ulam-nadine-lustre/

"Kung di ka na kakain ng karne, paano na 'tong Mang Tomas sarsa?"

"Ay paano na po yung sarsa hahahaha."

"No more sarsa ni Mang Tomas mga ses."

"Good vibes talaga yung may dala-dala kang bote ng sarsa ni Mang Tomas, Nadz!"