Isa na namang malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo kung saan inaasahang aabot sa mahigit sa₱12.00 ang maidadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines para sa kalakalan sa Marso 15-21, posibleng pumatakhanggang sa₱12.30ang maipapatongsa kada litrong diesel at hanggang₱7.00 kada litro naman ang posibleng maidagdag sa presyo ng gasolina.
Kung matutuloy ang nasabing plano, ito na ang ika-11 na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo ngayong taon.
Sa pahayag ng naturang kumpanya ng langis, ibinatay nila ang pagtaya saMean of Platts Singapore (MOPS) o ang daily average ng lahat ng trading transactions sa pagitan ng mamimili at nagbebenta ng produktong petrolyo sa bansa.
Nitong Marso 8, naramdaman ng mga motorista ang pinakamalaking pagtaas ng petroleum products ngayong taon kung saan dinagdagan ng₱5.85 per liter sa diesel,₱3.60naman ang itinaas sa presyo ng gasolina at₱4.10 kada litro ang itinaas sa kerosene.
Nitong Marso 10, umaabot na sa ₱76.69 ang kada litro ng gasolina sa Quezon City, ₱66.24 kada litro naman ang presyo ng diesel at umabot naman sa ₱72.12 ang presyo ng kerosene.
Bella Gamotea