Pagpapatibay ng mahigpit na mga hakbang kabilang ang pag-tap sa mga undercover agent ang nakikitang solusyon ni Presidential spirant Senador Panfilo Lacson sa pagsugpo sa katiwalian, pagbabahagi niya nitong Sabado, Marso 12.

Sinabi ni Lacson, tagapangulo ng Senate National Defense and Security Committee, na ang mahigpit na mga hakbangin ay magpapatiklop sa mga miyembro ng burukrasya na matitigas ang ulo, sa takot na sila ay mahuli at maparusahan.

Gayundin, sinabi ni Lacson na plano niyang muling suriin ang Plunder Law, para maitama ang mga kahinaan nito at mas madali itong maipatupad, nang sa gayon ay mapigil ang mga tiwali sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Sa government bureaucracy, pwede tayong mag-field ng operatives na kunwari nag-a-apply… hanggang matanim sa isipan ng government employees and officials na delikado tayo, baka ang kinikikilan natin ay operative,” ani Lacson sa panayam ng Radyo 5 nitong Biyernes, Marso 11.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Mas maganda na drastic ang approach – alisin ang Inept, Corrupt and Undisciplined (ICU) sa bureaucracy ng gobyerno,” dagdag niya.

“Palagay ko kung nakitang maayos at malinis ang executive branch, judiciary and legislature will follow suit. Human nature yan,” aniya.

Sinabi rin ni Lacson, na tumatakbong pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, na ginamit niya ang parehong diskarte upang maalis ang "kulturang kotong" sa Philippine National Police (PNP) nang pamunuan niya ito mula 1999 hanggang 2001.

This will jibe with his and his vice presidential bet Senate President Vicente “Tito” Sotto III’s campaign theme of fixing the government’s ills (Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino).

Iginiit ni Lacson – na nagsabing ang katiwalian ay isa sa mga salot na sumisira sa kanyang araw, lalo na kapag napag-aalaman niya ang mga Pilipinong nabiktima nito – na sakaling siya ay mahalal na pangulo, siya ang magtatakda ng tono para sa gobyerno sa kanyang unang araw sa panunungkulan sa pamamagitan ng paglagda ng waiver ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy Act at paglulunsad ng massive sustained internal cleansing sa burukrasya.

Muli niyang idiniin ang kanyang panata na maglagay ng premium on transparency sa government dealings, kabilang ang pagkuha ng mga bakuna upang matugunan ang banta ng Covid.

“Ang essence ng paglaban sa corruption, transparency,” sabi niya.

Mario Casayuran