Isa pala talagang certified Sharonian o tagahanga ni Megastar Sharon Cuneta si senatorial candidate Salvador 'Sal' Panelo, noon pa man, batay sa mga lumilitaw na 'resibo' kung saan madalas niyang inaawit ang mga iconic at signature songs ng misis ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan.

Noong Huwebes, Marso 10, nagpahayag ng pagkadismaya si Mega sa kumalat na video ng panghaharana umano ni Panelo sa isang dinaluhang LGBTQIA+ community event, ng katunggali ni Sen. Kiko na si Davao City Mayor Sara Duterte, sa Quezon City. Makikitang inaawit ni Panelo ang 'Sana'y Wala Nang Wakas' na pinasikat ni Shawie, na nilikha naman ng yumaong si Willy Cruz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Dahil dito, muling lumitaw sa TikTok at iba pang social media platforms ang videong kuha umano ng aktres na si Vivian Velez, sa burol ng na-cremate na mga labi ng yumaong anak ni Panelo na si Carlo Panelo III, habang kumakanta ng 'Ikaw', noong 2017, bilang tribute sa yumaong anak.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa TikTok

Si Carlo ang tinutukoy ng senatorial candidate na may Down Syndrome na siyang pinag-alayan niya ng mga iconic song ni Mega gaya ng 'Ikaw' at 'Sana'y Wala Nang Wakas'.

Yumao umano si Carlo noong Enero 6, 2017 dahil sa sakit sa puso. Sa magkatulad na araw, birthday naman ni Megastar na siya namang orihinal na kumanta ng naturang iconic song.

Agad namang ipinagtanggol ni Sal Panelo ang kaniyang sarili at ipinaliwanag kung bakit pinili niyang kantahin ang mga hit song ni Shawie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/panelo-ibinahagi-ang-video-na-inaawit-ang-kanta-ni-sharon-para-sa-kanyang-anak-na-may-down-syndrome/

"It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song. I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it," paliwanag niya.

Hindi naman daw siya kumikita sa pagkanta nito, kaya hindi niya malaman kung bakit isyu ito para kay Megastar. Ipagpapatuloy raw niya ang pag-awit ng kanta, lalo't may basbas naman ng Viva Records.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/salvador-panelo-kay-sharon-cuneta-i-will-continue-to-sing-the-song/

"I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that."

"I’m sorry she feels that way."

Sey naman ni Sharon, mas gusto niyang sa Leni-Kiko campaign rally marinig ang kaniyang mga klasikong awitin.

"Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol."

Sa latest post na makikita sa official Facebook page na 'Salvador 'Sal Panalo' Panelo', ibinahagi ang isang artikulo tungkol sa isyung ito, na nilagyan ng caption na 'Sharonian kasi ako!'

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Mega hinggil sa isyung ito, bagama't napag-usapan ng mga netizen ang latest cryptic IG post niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/sey-ni-mega-dont-let-the-ugly-in-others-destroy-the-beauty-in-you-sey-ng-netizen-practice-what-you-preach/