Inirekomenda ng Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Expert Panel (VEP) ang paggamit ng Sinovac Covid-19 vaccine sa mga batang anim hanggang 17 taong gulang.

“The VEP already submitted the recommendation to FDA [Food and Drug Administration], use of Sinovac vaccine for the prevention of Covid among 6 to 17 [years] old,” sabi ng Infectious disease expert at DOST-VEP member na si Dr. Rontgene Solante sa isang text message nitong Sabado, Marso 12.

Sa kasalukuyan, inaprubahan ng Philippine FDA ang paggamit ng Pfizer-BioNTech at Moderna Covid-19 na mga bakuna para sa 12 hanggang 17 taong gulang. Inaprubahan din ng ahensya ang bakunang Pfizer-BioNTech na gagamitin sa mga batang may edad na lima hanggang 11.

Sa kaugnay na development, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na ang pagbabakuna ng bata sa Covid-19 sa bansa ay patuloy na umaarangkada.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We have reached about one million plus na iyong ating mga five to 11 [years old]. We are doing well with our 12 to 17 [years old]. So mga 70 percent na tayo sa fully vaccinated ng 12 to 17 [years old],” ani Cabotaje sa isang public briefing nitong Sabado, Marso 12.

“So one million ng ating five to 11 ang naka-first dose. Tapos meron ng mga naka-second dose– 237,000,” dagdag niya.

Nitong nakaraan, sinabi ng DOH na nasa 12.7 milyong bata ang edad 12 hanggang 17 sa Pilipinas. Gayundin, layunin ng gobyerno na mabakunahan ang humigit-kumulang 15 milyong mga batang Pilipino na may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Analou de Vera