Hindi papayagan sa face-to-face classes ang mga estudyanteng hindi pa bakunado, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Ito ang babala ni CHED chairperson Prospero de Vera kasunod na rin ng inaasahang pagbubukas ng marami pang paaralan upang lumahok sa in-person classes sa bansa.

Pinayuhan din ni De Vera ang mga hindi pa fully-vaccinated na lumahok na lamang muna sa online classes.

"’Yung mga hindi bakunado,puwede silang mag-aral sa pamamagitan ng online classes. Ang policy ng CHED sa lahat ng higher education institutions ay flexible learning policy pa rin," sabi nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"'Yung pamantasan 'yung magde-decide ng tamang mix ng face to face, online, at offline. ’Yun ’yung kanilang option. Puwede silang mag-full face-to-face, full online. Puwede ring maging online plus face-to-face, depende sa pangangailangan ng pamantasan at kakayanan ng mga estudyante at faculty," paliwanag pa ni De Vera.

Nitong Biyernes, inaprubahan ngCovid-19 task force ang alituntunin na inirekomenda ng CHED para sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.