Zero new Covid-19 cases ang naitala ng Caloocan City government noong Biyernes, Marso 11, ang unang pagkakataon mula nang magsimula ang pandemic noong 2020.

Sinabi ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan na ang kasalukuyang tala ay nagpapahiwatig ng pagbaba ng bilang ng mga indibidwal na nahawaan ng coronavirus sa ilalim ng mas maluwag na na Alert Level 1 na quarantine status sa Metro Manila.

Dagdag pa niya, patunay ito na epektibo ang mga programa ng lokal na pamahalaan (mass testing, contact tracing, vaccination) at pagsunod ng residente sa health and safety protocols.

“Nagpapasalamat tayo sa bawat mamamayan ng Caloocan para sa kanilang kooperasyon at pakikiisa sa ating laban sa pandemya. Nawa’y magtuluy-tuloy na ang pagbuti ng sitwasyon upang tuluyan na nating malampasan ang pandemyang ito,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ng lokal na pamahalaan na simula noong Marso, ang mga bagong kaso na naitala sa lungsod ay halos palaging nasa single-digit.

Noong Marso 11, mayroong 39 na aktibong kaso mula sa 74, 672 kabuuang kumpirmadong kaso kung saan 1,749 ang nasawi at 72,884 na nakarekober.

Aaron Homer Dioquino