Patay ang isang 92-anyos na babaeng balo matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Molave, Zamboanga del Sur nitong Biyernes.
Sunug na sunog ang bangkay ni Severina Cabasag Baco nang madiskubre ito ng mga awtoridad.
Sa paunang imbestigasyon ng Molave Municipal Police, ang insidente ay naganap sa Purok Makiangayon, Barangay Blanciadakong 3:00 ng hapon.
Sinabi naman ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), kaagad na kumalat ang apoy sa bahay ni Gerlie ag-usara Umpad at Nelson Aya-ay Fuentes.
Dahil hindi na kaya ng katawan ay hindi na nagawangmakalabas ng bahay si Baco na biyenan ni Fuentes.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente na ikinaabo ng₱200,000 halaga ng ari-arian.
Liza Abubakar-Jocson