Nakauwi na sa bansa ang 17 na Pinoy evacuees mula sa Ukraine, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Binanggit ng DFA na tatlong grupo ang mga ito nang dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Qatar Airlines kamakailan.

Nanggaling ang mga evacuees sa Kyiv City na kabisera ng Ukraine.

Naiulat na ang unang grupo ay kinabibilangan ng apat na may edad, tatlong batang Pinoy-Ukrainian na kasa-kasama ng kanilang tatlong ina. Binubuo naman ng dalawang Pinoy adults ang ikalawang grupo, kasama ang isang batang Pinoy-Ukrainian at ina na isa ring Ukrainian.

National

Davao Oriental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Tatlong Pinoy workers naman ang ikatlong grupo na boluntaryong bumiyahe pauwi ng Pilipinas sa tulong na rin ng Philippine Honorary Consulate General sa Kyiv.

Matatandaang iniutos ng pamahalaan na ilikas ang mga Pinoy sa Ukraine at pauwiin kung kinakailangan matapos sumiklab ang giyera sa lugar kasunod nang paglusob ng mga sundalo ng Russia kamakailan.