Inilaan lamang sa mga magsasaka ng mais at mangingisda ang ₱3,000 fuel subsidy na bigay ng gobyerno.
Ito ang paglilinaw ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Kristine Evangelista nang sumalang sa isang television interview nitong Sabado, Marso
“Pawang corn farmers at mangingisda ang nasa listahan ng 162,000 na makatatanggap ng subsidy,” paliwanag ni Evangelista.
Wala aniya sa listahan ang mga magsasaka ng palay dahil kasama umano sila sa isa pang cash grant program ng pamahalaan naRice Farmer Financial Assistance (RFFA) kung saan tatanggap ng₱5,000 na ayuda ang mga ito.
“Now, we are looking into corn farmers para sila naman ang mabigyan," paglilinaw nito.
Nilinaw ni Evangelista na hindi kasama sa programa ang mga magsasaka ng gulay at iba pang high-value crops dahil binibigyan ng truck ng DA ang mga kooperatiba ng mga magsasaka.
Layunin ng hakbang na mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktongpetrolyo sa bansa.
Aabot sa 160,000 magsasaka ng mais at mangingisda ang benepisyaryo ng₱500 milyong fuel subsidy, ayon pa sa DA.