Personal na tinutukan nina Metropolitan Manila Development Authority chairman Romando Artes at Department of Health-National Capital Region Regional (NCR) Director Dr. Gloria Balboa ang isinasagawang pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynilabilang bahagi ng ikaapat na bugso ng "Bayanihan, Bakunahan" program ng gobyerno.
Sinabi ni Artes na ang MMDA ay magdedeploy ng karagdagang mga vaccinators sa naturang simbahan na nagsisilbing vaccination site.
Nilinaw naman ni Balboa na ang vaccination campaign sa Quiapo Church ay naka-schedule kada Biyernes.
Puntirya aniya na mabakunahan ang 500 indibidwal kada araw para sa mga nagnanais na makatanggap ng libreng bakuna ng first, second o booster doses.