Naglabas na ng pahayag si senatorial aspirant Salvador Panelo tungkol sa reaksyon ni Megastar Sharon Cuneta sa pag-awit niya ng kantang "Sana’y Wala Nang Wakas" sa meet-and-greet ni vice presidential candidate Sara Duterte sa LGBTQIA+ groups sa Quezon City.

Sinabi ni Panelo, paborito niya ang kanyang iyon dahil naaalala niya ang kanyang anak na si Carlo na mayroong down syndrome. Nahohonor niya umano ang kanyang anak sa tuwing kinakanta ito.

"I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song," saad ni Panelo sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 11.

Naisip din niya na binibigyang-pugay niya ang yumaong gumawa ng kanta na si Willy Cruz maging ang Megastar na si Sharon.

Namatay si Willy Cruz, isa sa mga batikang OPM writer, noong April 17, 2017 dahil sa heart failure.

"I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it," ayon pa kay Panelo.

Sinusubukan lamang din niya na aliwin ang mga taong naglaan ng oras para makinig sa kanila sa nakaraang meet and greet. Hindi rin niya maintindihan kung ano ang "offensive" doon.

"I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that," dagdag pa niya.

Nitong Huwebes, Marso 10, sa pamamagitan ng tweet, ipinahayag ni Mega ang pagkaimbyerna niya sa pag-awit ni Panelo sa ‘Sana’y Wala Nang Wakas’, isa sa mga signature song niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Gayunman, nakipag-ugnayan umano siya sa copyright owner ng kanta, ang VIva Records, at kinumpirma umano nila na puwede niyang awitin ang kanta.

Saad pa ni Panelo, patuloy pa rin niya itong kakantahin at gagamitin para magbigay ng awareness sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

"I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin."

Tumatakbong senador ngayon si Panelo sa ilalim ng PDP Laban. Dati rin siyang Chief Legal Counsel at Spokesperson ni Pangulong Duterte.