Kasama na si pole vaulter na si EJ Obiena sa National team na sasabak sa 31st Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ang desisyon ng Philippine Olympic Committee (POC) na kumokontra sa naging pasya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na nag-aalis kay Obiena sa Philippine team.
Sinabi ni POC president Abraham Tolentino nitong Biyernes, kasama na si Obiena sa 654 atleta na kakatawan sa Pilipinas sa biennial meet na gaganapin sa Vietnam sa Mayo 12-23.
“EJ’s name must be there. It’s both frustrating and disappointing if we don’t see EJ setting a new SEA Games record in Hanoi. Logic plays a major role here for the need to include him in the SEA Games list, this is sports and he’s a national sports pride,” aniya.
Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ni Obiena at ng PATAFA nang paratangan ng huli ang atleta na hindi umano magkakatugma ang isinumite nitong financial statement sa national sports association na may kinalaman sa suweldo ng kanyang coach.