Handa na ang gobyerno upang harapin ang inaasahang pagpasok sa bansa ng Deltacron o ang pinagsamang nakahahawang  Delta at Omicron coronavirus variants.

Paliwanag ng Department of Health (DOH), mas kumpiyansa na ngayon ang bansa na labanan ang nasabing variant dahil na rin sa karanasan nito laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Based on our experience from the past and many experiences we have gathered throughout the response in the pandemic, we should be ready to face another variant of concern,” paliwanag naman ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang television interview nitong Biyernes, Marso 11.

Nauna nang naiulat na natuklasan ang naturang variant sa ilang bahagi ng Europa kamakailan.

Aminado naman ang hepe ngAdult Infectious Diseases and Tropical Medicine department ng San Lazaro Hospital sa Maynila na si Dr. Rontgene Solante na limitado pa rin ang datos kaugnay ng nasabing variant.

“Hindi pa ganoon kalawak kung ano ang behavior ng combination ng Delta at Omicron.If the Delta combines with Omicron, the Omicron has the more heavily mutation. So,titingnannatin,anongmga mutation ito, kung ano ang mas marami,” sabi pa nito.

Naniniwala rin si Solante na makatutulong ang kasalukuyang vaccination rate status ng bansa sa paglaban sa posibleng epekto ng Deltacron.

“We are now at this point na marami na rin na nabakunahan, so I think, humihina na rin talaga ang severity ng virus, especially [in] the younger population,” anang opisyal.

Analou de Vera