Inamin ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao nitong Biyernes na hindi na ito nagsusuot ng face mask sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Kumpiyansa rin ang senador na malapit nang matapos ang pandemya.

"Kung ako kasi ang tanungin mo, hindi na ako nagma-mask dahil mahihirapan akong huminga 'pag nagma-mask," tugon ni Pacquiao nang tanungin ng mga mamamahayag kung pabor itosa pagma-mas kahit nasa Covid-19 Alert Level 0 na ang Pilipinas.

"Wala na, hindi na ako natatakot diyan (Covid-19). Kumpiyansa na ako na totally wala na talaga 'yan," sabi nito.

Nang tanungin kung saan niya ibinatay ang kanyang pahayag, "Unang-una, may tiwala ako sa Panginoon, at natapos na 'yan. Hindi lamang sa sarili, kundi nagdadasal din ako para sa taong bayan na maalis na itong (Covid-19) atmaproteksyunansila palagi."

Ang pagbaba aniya ng bilang ng kaso ng sakit sa mga nakaraang buwan ay maaaring pinagbatayan ng gobyerno upang isailalim ang bansa Alert Level 0.

"Siguro nakikita natin ang improvement, para maibalik ang kumpiyansa ng tao, makapaghanapbuhay nang walang takot, at maka-recover na."