Ibinahagi ni senatorial candidate Salvador Panelo sa kanyang Facebook page ang isang video habang inaawit ang "Sana'y Wala Nang Wakas" noong 2019, na alay niya para sa kanyang yumaong anak na si Carlo na mayroong Down Syndrome.
Bago umawit, nagbahagi siya ng kaunti tungkol sa kanyang anak at sa plano niya noon na magtatayo ng private care facility para sa mga batang may special needs.
"I have a child who passed away 2 years ago. A special child, his name is Carlo. He had Down Syndrome. And every parent with a special child always pray to God. Kasi ang problema ng mga parents, paano kung mauna kami? Sino ang mag-aalaga ng mga special children? While merong mga kapatid, iba yung magulang," ani Panelo.
"And I've been thinking hanggang ngayon na walang facility dito sa Pilipinas ng special children. So I thought, in memory of my son Carlo, I will establish a facility so that all parents of special children, wala na silang aalalahanin kahit mauna silang mamatay. Meron facility na mag-aalaga sa mga anak nila. 'Yan ang gagawin ko," paglalahad pa ng dating spokesperson ni Pangulong Duterte.
Sa naturang post, nagpasalamat din siya kay Sharon Cuneta sa pagtatanong ng "bakit."
"Thank you Ms. Sharon Cuneta for asking "WHY?!!!” Now more people know what this song means to Sal Panelo, and of the need to address the plight of children with special needs."
Gayunman, isa sa mga plano niya kung sakaling manalo bilang senador ay magkaroon ng aksyon na magbibigay ng government-funded care facilities sa buong bansa, maging libreng therapy at special education sa mga batang may special needs.
Narito ang video: https://www.facebook.com/panelo.sal/videos/1268891730302843/
Nauna nang sinabi ni Panelo na patuloy niyang aawitin ang kantang "Sana'y Wala Nang Wakas."
“I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin.”
Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/11/salvador-panelo-kay-sharon-cuneta-i-will-continue-to-sing-the-song/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/11/salvador-panelo-kay-sharon-cuneta-i-will-continue-to-sing-the-song/
Matatandaangnag-react si Megastar Sharon Cuneta sa paggamit at pag-awit umano ni senatorial candidate Salvador Panelo sa isa sa mga iconic at signature song niya, sa meet-and-greet ni vice presidential candidate Sara Duterte sa LGBTQIA+ groups sa Quezon City.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/