Pumanaw nito lamang Miyerkules, Marso 9 sa edad na 43 si Kidlat de Guia, anak ng National Artist for film na si Kidlat Tahimik at Cultural Activist na si Katrin de Guia. Ito'y kinumpirma ng kanyang kapatid na si Kawayan de Guia sa kanyang Facebook post.

“To you, my brother, our brother, our friend, our partner in crime, the playful eye, the comfort zone, the bearer of good and bad news, you, my friend, you! The back bone. My love, our love, love,” saad nito.

Ayon sa mga ulat, kasama ni Kidlat ang ilan sa kanyang kapatid at kaibigan ng kanyang ama habang inililigpit ang mga gamit mula sa anim na buwang exhibit ng kanyang ama nang bigla itong mag-collapse at mawalan ng malay. Hindi pa naglalabas ng ulat medikal ang pamilya ni Kidlat tungkol sa totoong sanhi ng pagkamatay nito.

Bumuhos namang ang pakikiramay para kay Kidlat mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at ilan sa kanyang mga naging katrabaho.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Si Kidlat de Guia ay kilala bilang isang cinematographer at editor at kilala sa kanyang mga kuhang larawan na kadalasan ay naglalaman ng malakas na mensahe. Nakapagsagawa na siya ng iba’t-ibang photo exhibit at ibinahagi sa mundo ang kanyang talento sa pagkuha ng mga larawan.