Sa panibagong Instagram post ni Karla Estrada na kalakip ang larawan kasama ang mga anak at may nakasulat na "in my family we strongly believe in democracy," sinabi niyang pinalaki niya ang kanyang mga anak na magkaroon ng sariling opinyon.
Nauna nang sinabi ni Karla Estrada sa isang Instagram post na iginagalang sa kanilang tahanan ang pagkakaiba-iba ng kanilang pananaw, lalo na sa political stand.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/10/karla-estrada-wala-kaming-issue-sa-pamilya-kung-sino-ang-gusto-naming-suportahan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/10/karla-estrada-wala-kaming-issue-sa-pamilya-kung-sino-ang-gusto-naming-suportahan/
"I raised my children to have their own opinion, stand their ground not because they are swayed by the public," ani Karla noong Huwebes, Marso 10.
Nitong Marso 9, nagviral ang larawan ng anak niyang si Daniel Padilla kasama ang direktor na si Mandy Reyes.
“Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster,” nakasaad sa caption ng Facebook post ng direktor na may poster ni Vice President Leni Robredo.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/09/anak-na-si-daniel-certified-kakampink-anong-sey-ni-momshie-karla/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/09/anak-na-si-daniel-certified-kakampink-anong-sey-ni-momshie-karla/
Sey pa ni Karla, mayroon malayang pag-iisip ang kanyang mga anak.
"They have an independent mind rooted in their own beliefs. But in the end We Talk, We Love and Live Harmonously," dagdag pa ng aktres.
Tumatakbo bilang nominee ng Tingog party-list si Karla at hayagang nagpakita ng suporta sa UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Sara Duterte.