Mahigit 300 Pilipino sa Ukraine ang ligtas na sa panganib, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Marso 11.

Ibinunyag ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na may kabuuang 309 na mga Pilipino ang nailikas na sa Ukraine nitong Biyernes.

Dito, 150 na mga mamamayan ang nakauwi habang 159 ang inilikas sa iba't ibang ligtas na hangganan malapit sa bansang sinalanta ng gyera. Dalawampu't tatlo sa kanila ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong Biyernes.

Noong huling bahagi ng Huwebes, Marso 10, isang grupo ng mga marino ang dumating sa bansa. Mga crewmember sila ng MV Key Knight, MV Star Helena, at MV Pavlina.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ayon kay Arriola, inilabas sila sa Ukraine sa tulong ng Honorary Consulate sa Moldova at ng Philippine Embassy Budapest sa Bucharest, Romania.

“The Department expects more seafarers to arrive in the country in the next few days through its evacuation and repatriation programs,” ayon sa DFA.

Noong Lunes, itinaas ng DFA ang alert level 4 para sa mga Filipino national sa lahat ng lugar sa Ukraine dahil sa “rapidly deteriorating security situation” sa bansa.

Nangangahulugan ito na ang mga Pilipino ay hinihimok na umuwi sa gastos ng gobyerno.

Mula noon, umabot na sa daan-daan ang bilang ng mga Pilipinong umaalis sa Ukraine.

Betheena Unite