"For the first time in recent history"

Matagumpay na nakapagpatakbong 4-car train ang MRT-3 sa mainline nito sa isinagawang dynamic testing nitong Marso 9, 2022.

Photo: DOTr MRT-3/FB

Kabahayan sa Isla Puting Bato sa Tondo, tinupok ng apoy

Ito ang ibinahagi ng DOTr MRT-3 sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Marso 11.

Nasaksihan ng mga miyembro ng technical team ng MRT-3, na pinangungunahan ng Director for Operations na si Michael Capati, at mga kinatawan mula sa Sumitomo-MHI-TEDP ang dynamic testing sa 4-car configuration upang masuri ang kaligtasan ng pagtakbo,  katatagan nito laban sa pagkadiskaril, at iba pa.

Pinaplano rin ng MRT-3 na palawakin ang carrying capacity ng linya.

"With 4-car train sets, we can further increase our line capacity, which will enable us to serve more riding public with safe and reliable transport system as the country navigates into the 'new normal'," ani Capati.

Huling nakapagsagawa ng dynamic testing ang MRT-3 sa 4-car configuration noong huling bahagi ng 2010.