Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez nitong Biyernes, Marso 11 na pangangasiwaan ng poll body ang pagpapatupad ng kontrata sa F2 logistics, isang firm na sinasabing kontrolado ng Duterte campaign donor at Davao-based businessman na si Dennis Uy.

Ito ang pahayag ni Jimenez sa isang panayam sa ANC sa gitna ng mga batikos matapos lumabas ang larawan ni Uy sa social media platform na Twitter kasama ang isang kandidato sa pagkapangulo.

“Well, here’s the thing though. The misgivings about F2 logistics has been in place long before this photo surfaced. In this photo simply giving you life to that round of speculations,” aniya.

Sinabi ni Jimenez na ang F2 Logistics ay sasailalim sa pangangasiwa ng Comelec sa bawat hakbang at sisiguraduhin nilang aboveboard ang kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Paliwanag niya, “It’s also very important to note that the terms of their contract give them very limited responsibilities in this regard, they will simply deliver paraphernalia and reverse logistics, you know, and get it back.”

“They will not be part of the counting process. They will not be part of the process that ends up in election results. So it’s very difficult to see how any of that could translate into a negative impact on the elections themselves,” dagdag niya.

Muli niyang binanggit na hindi ito mawawalan ng pangangasiwa mula sa Comelec at may magbabantay sa bawat hakbang nito.

Idinagdag din niya na ang warehousing ay hindi isang pangmatagalang warehousing bagkus ay isang transshipment ukol sa pagtanggap sa kanila sa mga regional hub at pagkatapos ay ilipat ang mga ito sa huling destinasyon.

Tinapos at nilagdaan ng Comelec at F2 Logistics ang kontrata para sa P535,999,998 deal noong Oktubre 29, 2021.

Dhel Nazario