Handa na si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Neri na harapin ang alegasyong sinuhulan umano ito ng₱10 milyon ng isang convicted drug lord upang "ayusin" ang kaso nito sa Korte Suprema.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na sasagutin ni Neri ang alegasyon ng abogadong si Ferdinand Topacio sa tamang lugar.
Hihintayin din aniya nila ang magiging pasya ni Topacio kung dadalhin sa Commission on Appointments (CA).ang usapin.
“So I guess we’ll just have to wait until that happens,” aniya.
Sa naunang panayam kay Topacio, binanggit nito na nagbigay umano ng ₱10 milyon ang kliyente nito na si convicted drug lord Herbert Colanggo kay Neri na noo'y assistant secretary ng DOJ upang "ayusin" ang kinakaharap na kasong robbery sa Supreme Court.
“Other than that, of course, Commissioner Neri assures the public that all of these accusations are not substantiated, and that ultimately they will be proven false,” dagdag ni Jimenez.
Nitong Marso 8, kinumpirma ng Malacañang ang pagkakatalaga nila kaySaidamen Pangarungan bilang Comelec chairman, gayundin kay Neri at George Garcia bilang mga commissioner.
Dhel Nazario