Usap-usapan sa social media ang pagkansela umano ng Ceres Bus sa reservation ng supporters ni Vice President Leni sa Negros Occidental na patungo sana sa Bacolod para sa kampanya ni Robredo ngayong Biyernes, Marso 11.
Sinasabi ng mga supporters sa Twitter na sinabotahe sila ng naturang bus liner dahil last minute umano ito nagkansela. May nagsasabi rin na kinansela umano ng Ceres Bus maging ang mga regular trip patungong Bacolod. Kaya't naging trending topic na "Ceres" noong gabi.
Narito ang ilan sa mga tweet ng mga supporters na tila nagalit sa nangyari:
Gayunman, sinabi ng Vallacar Transit Inc., operator ng Ceres bus, na walang "stoppage" ng trips o kanselasyon sa kanilang operasyon sa Northern Negros.
"Vallacar Transit Inc. would like to inform our beloved riding public that we have no stoppage of trips nor cancellation of our operations in any part of Northern Negros. This is contrary to the statement maliciously spread in the social media," anang Vallacar Transit Inc. sa inilabas nilang pahayag nitong March 11.
"We are here to serve the riding public with utmost safety and comfort even during the Covid 19 pandemic and there is no reason for us now to cancel our trips that the travel restrictions have lowered. We are operating with a limited number of units due to the health restrictions but in spite of this, we are trying our best that no passenger gets left behind," dagdag pa nito.
Saad pa nito, "We cannot cater to the whims of groups that would leave our routes in a vacuum. This is against LTFRB’s policy. We are appealling to the riding public to be wary and not believe everything they read on social media."
Ang Vallacar Transit Inc. ay pagmamay-ari ng Yanson Group. Sa kanila rin ang Ceres Liner Travel and Tours, Mindanao Star Bus Transport Inc., Bachelor Express Inc., Southern Star Bus Transit Inc., Ceres Transport Inc., Goldstar Bus Transit Inc., Rural Transit (Mindanao) Inc., at Countryside Food Resources Corporation.