Tunay nga namang hindi hadlang ang anumang estado mo sa buhay upang makamit ang tagumpay na inaasam ng lahat.

Ang lahat ng hirap na nararanasan mo ngayon ay maaaring magsilbing motibasyon upang mas lalong magsumikap at magpatuloy.

Basta't ang tanging 'mantra' mo lamang ay pagtitiyaga, walang imposible para sa'yo at balang araw ay makakatikim ka rin hindi lang ng basta nilaga kundi pati na ang matamis na tagumpay.

Maituturing na isang inspirasyon ang kwento ni Fernando Kuehnel para sa nakararami. Ito'y kung paanong mula sa pagiging palaboy at walang makain ay nagtagumpay siya at naging isang magaling na "scientist."

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Photo from Fernando Kuehnel's FB

Anim na taong gulang pa lamang si Fernando mula nang iwan siya kasama ng kanyang dalawang kapatid ng kanilang mga magulang. Hindi naging malinaw ang dahilan kung bakit sila inabandona ng kanilang ama at ina. Dahil sa hirap ng buhay ay naging mga palaboy sina Fernando kasama ng kanyang mga kapatid. Hanggang sa may makakita sa kanilang bahay ampunan at kinupkop silang magkakapatid.

Hindi naging maganda ang ang karanasan ni Fernando sa bahay ampunan kung kaya't mas pinili niya na lamang na umalis at sa kalsada na lamang tumira habang magmumulot ng basura. Isang araw ay nabalitaan niyang may pamilyang balak ampunin ang kanyang mga kapatid, kaya naman minabuti niyang bumalik sa bahay ampunan.

"So they were gonna adopted, just the two of them, and then one kid ran away from the orphanage looking for me. He said: Your brothers [are] gonna go and get adopted, so better go back, so I went back. I'm not stupid, right? [so] I came back," pahayag ni Fernando.

Dinala silang magkakapatid sa Amerika ng mga taong umampon sa kanila. Sa kasamaang palad, hindi rin naging maganda ang kalagayan nila doon kaya ibinalik rin sila agad sa bahay ampunan.

Hindi nagtagal ay dumating ang mag-asawang Kuehnel at nais silang ampunin na magkakapatid.

Dinala silang magkakapatid sa Amerika upang doon na manirahan at mamuhay. Hindi gaya ng naunang pamilya na nag-ampon sa kanila, itinuring sila nitong parang mga tunay na anak.

Nagsumikap si Fernando at nakatapos ng pag-aaral upang hindi masayang ang oportunidad na ibinigay sa kanila ng mag-asawang Kuehnel. Nagtapos siya sa kursong BS Healthcare at nagkamit ng parangal bilang Cum Laude.

Sa Kasalukuyan, siya ay isa nang clinical scientist sa Novartis at nakatira sa Newton, Wisconsin. Itinatag niya rin ang Kabataan Charity o ang K-Charity na tumutulong sa ibang batang ulila na at palaboy sa lansangan.

Photo from Fernando Kuehnel's FB

"You have to determine what success is to you. It doesn't have to be millions of dollars. I tell my kids, there's no problem that can't be solved. You just won't like the solution, but the problem can be solved. The takeaway is, you do have to work hard."

Photo from Fernando Kuehnel's FB

Ang kwento ni Fernando ay isa lamang sa napakaraming kwento ng tagumpay sa mundo.

Marahil ay nasa pangit kang katayuan ngayon, ngunit darating ang araw na magbubunga ang lahat ng iyong paghihikahos. Gaya nga ng sabi niya, walang problema ang hindi nabibigyan ng solusyon.