Isang pulis na nag-Absent Without Official Leave (AWOL) at kasabwat nito ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Makati City nitong Marso 9.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Cpl. Ronaldo Robles, alyas Thirdy, 45, dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig at taga-Malate, Maynila at Erwin Jenel Dela Cruz, 25, taga-BF Muñoz, San Andres, Maynila. 

Sa ulat ng Makati City Police, nagkasa ng anti-drug operation ang mga pulis laban sa dalawang suspek sa Filmore St. Brgy. Palanan, Makati City, dakong 6:50 ng gabi nitong Miyerkules. Tinangka pa umanong tumakas ni Dela Cruz sakay ng motorsiklo matapos ang transaksyon, gayunman,  nasakote rin sa San Andres Road sa Maynila. 

Pumalag umano si Dela Cruz at tinangkang bumunot ng baril na nagresulta ng kanyang pagkakasugat kaya agad na isinugod sa Ospital ng Makati.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Narekober ang 59 pirasong pakete na naglalaman ng 'shabu' na nagkakahalaga ng ₱129, 200, marked money, isang improvised hand gun na may tatlong bala ng Cal. 38 revolver, brown box, coin purse, PNP ID at isang motorsiklo.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Article 151 ng Revised Penal Code (Resisting arrest) at Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions (gun ban).