Todo-tanggi ang isang dating mamamahayag na si Jaime Aquino sa mga alegasyon ng kanyang anak kasabay ng pagsasabing ginagamit lamang umano siya ng mga taong maimpluwensya.
Sa isang pulong balitaan, binanggit nito na baon din umano sa utang ang anak na si Justine, bukod pa sa nahaharap umano ito sa patung-patong na kaso sa Pangasinan.
Kamakailan, humarap sa isang pulong balitaan siJustineat pinaratangan ang ama na sangkot umano sa "gawa-gawang" kaso.
Nauna nang pinabulaanan ni Aquino na may kinalaman si Quezon Rep. Helen Tan at asawang si Public Works and Highways regional director Ronnel Tan sa pagsasampa ng kasong panggagahasa laban kay Lopez, Quezon Councilor Arkie Yulde.
Dinakip si Yulde ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang bahay sa Lopez noong Setyembre 20, 2021 dahil umano sa pagdukot at panggagahasa sa isang dalagita na sinasabing pamangkin ng kanyang kinakasama kamakailan.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 53 Judge Roselyn Andrada ng Regional Trial Court, Rosales, Pangasinan.
Matatandaang inireklamo si Yulde matapos umano nitong dukutin at gahasain ang isang 18-anyos na babae na pamangkin ng kanyang kinakasama mula Abril 17 hanggang Abril 22 ng nakaraang taon sa isang hotel sa Rosales, Pangasinan.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Yulde.
Matatandaang Pebrero 9, iniutos ng hukuman na pakawalan ang konsehal dahil sa kakulangan ng legal basis sa kinakaharap na kaso.
Bella Gamotea