Naglabas ng pahayag ang 7-eleven Philippines nitong Biyernes, Marso 11, nang makarating sa kanila ang reklamo tungkol sa kanilang Speak Cup. 

Photo: 7-eleven Facebook

Ayon umano sa mga customers na nag-aavail ng Speak Cup, na may mukha ng kanilang presidential bet, ay iba raw ang lumalabas ng pangalan sa resibo.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ang Speak Cup ay pakulo ng naturang convenience store para sa eleksyon 2022 kung saan makikita sa cup ang mukha ng mga presidential candidate.

Photo: 7-eleven Facebook

Ayon sa pamunuan ng 7-eleven, iimbestigahan nila ang pangyayari.

"We thank those who have brought several issues of non scanning to our attention, as this will allow us to take corrective action on those involved if further investigation finds that they have violated our policies on integrity, transparency, and neutrality in this promotional campaign," saad ng 7-eleven.

Gayunman, pinaalalahanan ng 7-eleven ang mga customers nito na hingin at i-check nang mabuti ang kanilang resibo.

"We continue to remind all customers to ask for and check their receipts to make sure these reflect their purchases, which is always good practice when buying anything from any retailers, but especially helpful to us in this particular endeavor," dagdag pa nila.

Inabisuhan din nila ang mga customers na tawag ang Customer Care Hotline ng 7-eleven kung may iba pang related concerns.