Tinanggap na ng dalawang organisasyon sa lungsod na Pagsasarili Talipapa Multi-purpose Cooperative at ng Las Piñas Meat Dealers Association ang tig-₱1 million financial grant assistance mula sa Department of Agriculture, nitong Biyernes, Marso 11.

Pormal na ipinagkaloob ito nina Las Piñas City Mayor Imelda T. Aguilar at Department of Agriculture (DA) Consumer and Political Affairs Undersecretary Kristine Y. Evangelista ang nasabing financial grant assistance sa isinagawang simpleng seremonya sa tanggapan ng alkalde.

Bahagi ito sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Las Piñas City government at DA noong Disyembre 6, 2021 para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program na sumisiguro sa pagkakaroon ng pagkain at accessibility nito sa panahon ng pandemyang COVID-19 at sa hinaharap. 

Sa naturang kasunduan, ang DA ang siyang magbibigay ng financial grant assistance sa mga kuwalipikadong organisasyon na lalahok at ng local government units (LGUs) upang mapabuti ang kanilang kapasidad sa mga karagdagang makabuluhang aktibidad sa food supply chains mula naman sa aggregation, processing, packing, store, warehousing at transport hanggang sa distribusyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaan na inihayag ni Mayor Aguilar na ang proyekto sa ilalim ng MOA ay nakatuon sa implementasyon ng dalawang KADIWA Stores sa lungsod na layunin nitong pondohan ang piling market vendors para sa renobasyon  at pagsasaayos ng KADIWA store.

Nagpapasalamat naman si Mayor Aguilar  at ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas sa ipinagkaloob na tulong pinansyal ng ahensya na malaking tulong sa magagandang proyekto sa lungsod.