Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) Director, Brigadier General Jimili Macaraeg ang pagkakasamsam ng 200 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng ₱1,360,000 at ikinaaresto ng apat na drug suspect sa ikinasang anti-drug operation sa Muntinlupa City Police nitong Marso 9.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Glenn De Guzman, alyas Glenn, 38; Mayline Rodolfo, 41; Anthony Pasion, 39; at Christopher Bayangos, 20, pawang taga-Muntinlupa City. 

Naiulat ng pulisya na dinampot ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa Garcip Compound, Brgy. Cupang dakong 9:40 ng gabi.

Nakumpiska sa apat na suspek ang nasabing illegal drugs at marked money.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na suspek na nakakulong na Muntinlupa City Police Station.