PARACELIS, Mt. Province – Patay ang isang dating bokal na kumakandidato muli sa katulad na posisyon matapos barilin ng isang 80-anyos na lalaki sa nasabing bayan kamakailan.

Dead on arrival sa Paracelis District Hospital ang biktimang siCarino Tamang, 56, taga-Poblacion, Paracelis dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib nito.

Kasong murder at paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec) at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kinakaharap ng suspek na siEfren Tariago, 80, balo, at taga-Brgy. Bacarri, Paracelis.

Sa police report, nagtangka pa itong tumakas matapos ang pamamaril, gayunman, naaresto pa rin ito sa ng mga pulis at nabawi sa kanya ang isang9.mmpistol na umano'y ginamit nito sa krimen.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ng mga awtoridad, ang insidente ay naganap saDagawe, Poblacion kamakailan.

Nagtalo muna ang dalawa kaugnay ng umano'y usapin sa lupa bago binaril ng suspek si Tamang, ayon sa imbestigador.

Si Tamang ay naging bokal noong2007 hanggang 2013, at 2016 hanggang 2019.

Gayunman, nagpasya pa rin itong tumakbo sa nasabing posisyon sa darating na eleksyon sa Mayo 9.