Nangako ang Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules na susundin ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Korte Suprema kaugnay ng ipinatutupad na 'Oplan Baklas' o pagtatanggal ng mga campaign materials sa mga private properties.
Paglilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez, itutuloy pa rin nila ang operasyon sa mga pampublikong lugar.
"During the discussion of the Commission en banc earlier, it was agreed, of course, that we will honor the TRO issued by the Supreme Court. We will continue with our Baklas Operations in public spaces as it is required by law," pagdidiin ni Jimenez sa isang pulong balitaan.
Nakikipag-usap na aniya ang Comelec saOffice of the Solicitor General (OSG) dahil 10 araw lamang ang ibinigay sa kanila ng kataas-taasang hukuman upang makapagsumite ngkomento
Nitong Martes, naglabas ng TRO ang Supreme Court laban sa Comelec upang ipahintoang 'Oplan Baklas' operations nito laban sa mga campaign materials na umano'y iligal na ikinabit sa mga private properties.
Ibinaba ng hukuman ang kautusan bilang tugon sa petisyon ng ilang indibidwal na mga supporters nipresidential candidate at Vice President Leni Robredo na naapektuhan ng dismantling operations ng Comelec.
PNA