Pumalag si Kapuso actress at Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa naglabasang 'fake news' na kasama siya sa mga celebrity na nagsuot ng pink na damit, at nagpakita ng pagsuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo.
Sa kaniyang Instagram post nitong Marso 10, 2022 ng gabi, pinabulaanan niya ang bali-balitang ito na ibinahagi sa isang YouTube channel. Nananahimik daw siya at ayaw makisali sa gulo ngayon sa politika.
Isa pa, ang litrato raw na ginamit dito na nakasuot siya ng pink coat ay mula sa pelikulang 'Tanging Ina' sa ilalim ng Star Cinema. Tinawag niyang 'cheap' ang nagpapakalat nito.
"Utang na loob NANAHIMIK AKO wag n'yo akong masali-sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko.. lahat na lang… huy!!! Tanging Ina ko pa picture 'yan, tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong kacheapan…"
Sa bandang dulo ng IG post, ipinagdiinan ni Ai Ai na hindi siya tagasuporta ni VP Leni.
"Pls. hindi po ako VP LENI supporter .. #panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly," aniya.
Bagama't hindi siya VP Leni supporter, hindi naman niya nilinaw o binanggit kung sino ang sinusuportahan niyang kandidato. Ngunit kapansin-pansin na nagkomento rito ang singer-actor na si Randy Santiago na isa sa mga tagasuporta ng BBM-Sara tandem.
Narito ang ilan sa komento ng mga netizen.
"Let's respect Ms Ai Ai's privacy please. Some people are saying that they respect someone's decision but they never did. I'm sure Ms Ai doesn't want to be included in this issue. Don't even try to break her silence. Please know our limits."
"Salamat at may artistang marunong mambara! Kudos Miss Ai!"
"HAHAHAHAHAHA natawa ako sa caption parang naririnig ko boses ni Ms. Ai."
"Ginagalit n'yo si Madam Ai Ai ah… feeling kasi ng mga Pinkachu pag naka-pink lahat supporters na ni Mama Leni."