MANILA -- Susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presidential candidate na may letrang "O" sa pangalan, ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, acting presidential spokesperson, noong Miyerkules, Marso 9.

Ito ang sagot ni Andanar nang tanungin kung may susuportahan ang pangulo sa mga presidential bet.

Mayroong 10 kandidato sa pagka-pangulo ang tumatakbo ngayong 2022: former presidential spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, former national security adviser Norberto Gonzales, Senator Ping Lacson, Lanao del Sur businessman Faisal Mangondato, former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Dr. Jose Montemayor Jr., Senator Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo.

Lahat sila ay mayroong letrang "O" sa pangalan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Bukod sa letrang "O", mayroon din daw na letrang "U."

Gayunman, sina Pacquiao at de Guzman lamang ang mayroong letrang  "U" sa kanilang pangalan. 

Sinabi rin ni Andanar na walang problema si Duterte na makatrabaho ang presidential candidate na may letrang "O" sa pangalan.

Nauna nang iginiit ni Andanar na hindi ineendorso at sinusuportahan ni Duterte  ang sinumang presidential candidate sa mga oras na ito.

PNA